Pahayag 20 MBBTAG
Pahayag 20 Magandang Balita Biblia (MBBTAG) Ang Sanlibong Taon 20 Pagkatapos nito''y nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, hawak ang isang malaking kadena at ang susi ng napakalalim na hukay. 2 Sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas na walang iba kundi ang Diyablo o Satanas, at ginapos ito sa loob ng sanlibong (1,000) taon. 3 Ito''y inihagis ng anghel sa napakalalim na ...